Minsan sa Buwan ng Agosto
- The New Builder
- 1 day ago
- 1 min read
By: Yogi

Graphics by: Cassius Klai C. Francisco
Isang araw sa buwan ng Agosto
Pumasok nang walang paninigurado
Landas na tinahak na aking punla
Tatlong taong bubonoin.
Bagong lugar, bagong paligid
Tila naiilang sa takdang silid
Sa unang araw na tayo’y nagtagpo
Hindi alam kung paano kikibo.
Naiilang, ngunit nang unang makausap
Magaan ang naging tanggap
Parehong kinakabahan, ‘di alam patutunguhan
Tanging husay at tapang lamang ang kayang ipangutang.
Presensiya niyo’y hindi matatawaran
Binalot niyo ang kalungkutan ng kasiyahan
Sa mga araw na mahirap lagpasan,
Tunay na samahan lang ang pasan.
Hindi inakalang oras ay agad lilipas
Sana’y sinulit natin bawat sandali
Sana’y hindi mabilis ang oras na naglili
Sana’y lahat ng magagandang alaala’y manatili.
Ngayon tayo’y aabante sa panibagong termino
Batid kong lahat tayo’y umasenso
Magkahiwalay man sa susunod na yugto,
Nawa’y ang ating samahan ay ‘di maglaho.



Comments