top of page

#HerStory | Alamat ng Makahiya


Literary Art by: Aliza Belle C. Dayao


Alamat ng Makahiya

By: Alpha


Ika'y alamat ng makahiya,


na kahit tinapakan,

hinawakan,

inabuso,

sinaktan,

mamumukadkad pa rin at lalaban.


Sa pihikan mong dating,

tatangkain ka nilang sakalin

ngunit sa ilalim ng matingkad mong bulaklak

may nakatagong patalim.


Babae,

isa kang alamat.

Kahit saang panig ng mundo,

malalaman nila ang kwento mo.




Keep in mind that you are not alone. If you or someone you know needs help, you may reach out to the Inter-Agency Council on Violence Against Women and their Children (09178671907/ 09178748961 or iacvawc@pcw.gov.ph) or the Public Attorney’s Office (8929-9436 local 106/ 107/ 159 or pao_executive@yahoo.com).

5 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page